red red red... hi
wala lng.. email lang... wala na xe kong magawa e, papagod na kong mag-isip kaya eto
... kokomprontahin na kita
... aaminin ko na ulet... gusto kita
... gustong gusto kita...
sa maiksing panahon na pinagsamahan naten, nagawa mong mapahulog ng "mabilis" ang loob ko sayo...
oo, kagaya mo rin ako na madaling matisod at madapa pero hindi ako takot sabihin ang tunay kong nararamdaman... oo mabilis at talagang wala sa lugar pero kahit anong gawin kong pagpupumigil, lalong sumisidhi ang aking nararamdaman...
ang totoo nian, nde dapat ako ang kasama ni papa uuwi kaya lang nagpumilit ako... muli, tatakbuhan ko ang problemang kinahaharap ko ngaun... at ikaw yun... nde naman kasi ako matatag e,,, rumurupok ako sa tuwing nanjajan ka na.. nde ko alam kung bakit pro yun ang talagang nangyayari... huwag mo sanang isiping iiwan kitang mag-isa sa problema mo, kaya lng kung hindi ko gagawin to, ikaw mismo ang mahihirapan... hindi ka magkakaroon ng payapang pag-iisip...
kung iniisip mo na aalis ako tama ka... hindi ko alam kung hangang kailan at kung hanggang saan ang kayang kong paglayo sa iyo, ang sigurado mo lang ay kailangan kong gawin ito... para saken... at para SAYO... nasasaktan na ako sa mga nangyayari... hindi mo alam sinasaktan mo ako sa maraming bagay... yung pagtawag mo sa akin ng "Friend" pilit kong isinasaksak sa sarili ko na "Friends" nga lang tayo pero ikaw din mismo ang nagpapakita at nagpapadama na hindi lang "Friends" and namamagitan sa ating dalawa...
ang pagsulat mo ang pinakadahilan kung bakit kita nagustuhan... at sa tingin ko ngayon... iyon din ang dahilan kung bakit kita lalayuan... ayokong maging eksperimento lamang sa dokumentaryo mo... gusto kong maging parte ng mga pangarap sa sinabi mo... gusto kong maging bahagi ng buhay mo... isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit...
araw-araw kitang nakakausap sa telepono, alam mo na halos anong tinatakbo ng buhay ko... mula sa paborito kong ekspresyon hanggang sa mga bagay tulad ng mumunti kong pangarap ... ang pag-uusap natin ang nagbukas ng buhay mo saken at buhay ko sa iyo... isang pag-uusap na nauwi sa pagkakakilanlan ko sa taong gusto kong makasama habang buhay... "Gusto sana kitang makasama sa dalampasigan" isang linyang matagal ko ng gustong ipadinig sa iyo ngunit pinanghihinaan ako ng kalooban... isang linyang hindi ko na mababanggit kailanman...
hindi na kita pahihirapang muli at hindi ko na paaasahin ang sarili kong matutupad mo lahat ng pangakong binitiwan mo pero huwag kang mag-alala... akong yung taong may isang salita... lahat ng isimumpa kong salita'y paninindigan ko... mula sa pagboboy friend hanggang sa pag-aaral ay gagawin ko... ngunit ngayon... hindi na para sa iyo kundi para sa sarili ko... lalayo ako ngunit hindi ako mag-iiwan ng salita... tanging ang liham na ito ang tanging pruweba ng aking paglisan... ng aking katangahan... isang desisyon na masakit man sa kalooban ay para naman sa iyong kapayapaan at sa iba'y kaligayahan...
sa totoo lang hindi talaga kita kilala... matagal-tagal din tayong nag-uusap pero hindi ko parin matukoy kung sino ka at anong motibo mo sa paglapit mo sa akin... isang taong walang mukha... isang aninong puno ng misteryo... isang estrangherong nagumilatan ng diwa ko... puro salita at pangako ang tanging ibinigay mo sa akin pero hindi ko parin lubos maisip na sa iyo ako'y nahumaling... pero ganun talga e... wala na akong magagawa... MAHAL NA KITA... aios no? sa isang estranghero ipinagkatiwala ko ang aking puso... anlabo... pero sobrang linaw...
hindi ako nagsisisi na nakilala kita... kahit sa sandaling panahon ay nakilala ko ang taong matagal ko ng hinahanap...sana matagal na kitang nakilala... sana sayo ko nalang naibigay ang aking unang halik... sana... sana... sana... pero kung mas maaga tayong nagkakilala mauuwi din kaya sa ganito ang lahat?...
ang sarap mong magmahal at ang sarap mong mahalin... pero ang katulad mo ay ibabalik ko na lamang sa aking pangarap... isang pangarap na kailanman ay hindi na muling maisasabuhay sa realidad...
kalilimutan na kita... sa gagawin kong ito, papatayin kong muli ang aking puso... mananaig ulit ang aking pagiging bato... paxenxa na hindi na kita sinabihan... magiging patalim lamang ang mga salitang bibitiwan mo sa akin... hindi ko kayang madinig muli ang iyong mga hikbi sa aking paglisan...
patawad sa aking pagiging sakim... patawad sa karupukang ipinapakita ko... patawad sa lahat ng pagkukulang ko... patawad hindi kita kayang samahan sa laban na kinahaharap mo ngayon... patawad binigo kita... patawad...
ang paglisan ko'y mitsa ng katapusan ngunit kung ako ay iyong susundan... muli, ako ay babalik sa iyong kandungan at hindi na lilisan kailanman....
"kung ibig mo akong makilala, lumipad ka hanggang utak, sumisid ka hanggang buto, umilanglang ka hanggang kaluluwa... hubad ako roo mula ulo hanggang paa."
red mahal kita... mahal na mahal kita...
paalam na...
-shiela robeth-
o0shuLa0o
31 march 2005
0155H